Posts

BMAGK part3: Grades don't define you

Image
"Grades don't always define you" Sa tagalaog ay hindi ka laging ipinapakilala ng mga grades mo . Hindi nila malalaman kung gaano mo pinilit makakuha ng mataas na grades, pero wala hangang duon lang ang kaya mo. Hindi nila malalaman na pinag hirapan mo yung mga projects na ginawa mo, pero dahil sa mga ka-grupo mong walang konsiderasyon ay wala, naging basura. Hindi nila makikita na pinag puyatan mong isolve ang isang equation na kahit papaano mong baligtarin ang mundo ay hindi mo kayang isolve. Hindi nila malalaman kung gaano katagal mong pinag ipunan ang lakas ng loob para ma-ipresenta ang proyektong pinag-hirapan mo. ---------- Pero sa bandang huli ang mga grado mo parin ang titignan at titignan ng mga tao. At mamaliitin ka parin nila dahil sa mga mababang gradong nakuha mo. ----------

BMAGK part2: Walag taong bobo

Image
Walang taong BOBO, TAMAD meron. Wala namang Mangmang (Bobo) na tao. Sa aking opinyon ang salitang "Bobo o Mangmang" ay tumutukoy sa mga taong tamad.  >Mga posible o maaaring sanhi ng ng iyong mga mababang grado. 1. Kawalan ng intere st sa pag-aaral. Dahil sa mga makabagong teknolohiya, pati narin sa pag-unlad at pakikipag-sabayan ng ating mga syudad ay masyado nang maraming napagkaka-abalahan ang mga eatudyante na nagiging sanhi ng pagkawala ng kanilang interest na mag-aral at mag review. 2. Katamaran "Hay naku bukas nalang 'yan" -Linya ng mga tamad gumawa ng mga proyekto sa eskwela. "Andami naman, ke'lan pako matatapos neto? Hay huwag kona ngalang gawin" -Linya ng mga estudyanteng 'Weak', titignan palang ang mga proyekto ay kaaagad nang tinatamad at sumusuko.

BMAGK part1: Edukasyon ang susi

Image
Bakit mababa ang grades ko? "Edukasyon ang susi sa mabuti at magandang kinabukasan" Yan ang madalas na sabihin sa akin ng aking Ina upang mas lalo kopang pag-igihan ang aking pag-aaral at upang makakuha ako ng matataas na grado.  Mataas na grado, yan ang pangarap ng lahat ng estudyante. Edukasyon, yan ang pamantayan at laging tinitignan ngayon sa isang tao. Kung mataas ang iyong natapos, mataas din ang tingin sa iyo ng mga tao sa paligid mo. Maganda't masaganang buhay, pag-tatravel sa buong mundo, mabili lahat ng gusto't luho, pati narin ang mataas at marespetong tingin ng mga tao. Edukasyon ang susi sa lahat ng yan. Ngunit papano kong makukuha lahat ng mga magagandang bagay na nabanggit, kung akoy hirap sa pag-aaral? At kung ang lahat ng grado ko'y mababa o dikaya'y bagsak?