BMAGK part1: Edukasyon ang susi

Bakit mababa ang grades ko?



"Edukasyon ang susi sa mabuti at magandang kinabukasan"


Yan ang madalas na sabihin sa akin ng aking Ina upang mas lalo kopang pag-igihan ang aking pag-aaral at upang makakuha ako ng matataas na grado. 

Mataas na grado, yan ang pangarap ng lahat ng estudyante.

Edukasyon, yan ang pamantayan at laging tinitignan ngayon sa isang tao.

Kung mataas ang iyong natapos, mataas din ang tingin sa iyo ng mga tao sa paligid mo.

Maganda't masaganang buhay, pag-tatravel sa buong mundo, mabili lahat ng gusto't luho, pati narin ang mataas at marespetong tingin ng mga tao. Edukasyon ang susi sa lahat ng yan.

Ngunit papano kong makukuha lahat ng mga magagandang bagay na nabanggit, kung akoy hirap sa pag-aaral? At kung ang lahat ng grado ko'y mababa o dikaya'y bagsak? 

Comments

Popular posts from this blog

BMAGK part3: Grades don't define you

BMAGK part2: Walag taong bobo